(OFWs pinaalalahanan ng OFWs) EMPLOYMENT CONTRACTS SUNDIN

Bernard Olalia

PINAALALAHANAN ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang overseas Filipino workers (OFWs) na sundin ang kanilang employment contacts.

Sa isang advisory, sinabi ni POEA Administrator Bernard Olalia na mahalagang sundin ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa ang “obligations, terms, and conditions“ na nakapaloob sa kanilang employment contracts.

Ayon kay Olalia, kailangan din silang sumunod sa labor laws sa kanilang host countries.

Ginawa ni Olalia ang pahayag makaraang makatanggap ng reports mula sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Milan, Italy sa dumaraming Filipino workers sa Romania na tumatakas sa kanilang mga employer.

Gayunman ay hindi nagbigay ng numero ang POEA sa HSWs na tumatakas sa kanilang employers.

Batay sa report, ang pagtakas ay laganap sa household service workers (HSWs) na umaalis sa kanilang employers at lumilipat sa iba nang hindi inaayos ang usapin sa kanilang dating employer at foreign recruiter.

“Under Romanian laws, termination of employment by the employee need not have a valid reason but shall be in the form of formal resignation by the worker,” ayon sa POEA.

Ang empleyado ay kinakailangang abisuhan ang employer sa kanilang intensiyong mag-resign ng hindi

hihigit sa 20 working days para sa mga empleyado sa non-management positions o 45 days para sa managers.

Para naman sa dismissal, kailangang mag-isyu ang employer ng hindi bababa sa 20 working days’ notice of termination. Ang empleyado ay makatatanggap pa ng suweldo at lahat ng iba pang statutory rights sa naturang panahon. PNA