NAKAAMBA ang panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa weekly fuel forecast nito para sa March 26-31, sinabi ng independent oil player Unioil na ang presyo ng gasolina ay inaasahang tataas ng P0.65 hanggang P0.75 per liter, habang ang diesel ay may dagdag na P0.05 hanggang P0.10 per liter.
Ayon naman sa source sa oil industry, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay maaaring tumaas ng P0.70 hanggang P0.75 per liter, habang ang diesel ay posibleng may dagdag na P0.10 hanggang P0.15 per liter.
Kapag naipatupad, ito na ang ika-11 pagtaas para sa gasolina at ika-9 para sa diesel.
Ang inaasahang price adjustment ay base sa Mean of Platts Singapore trading mula Marso 18-22.
“The Philippines is using MOPS as the benchmark for local fuel products. MOPS is the daily average of all trading transactions of diesel and gasoline as assessed and summarized by Standard and Poor’s Platts, a Singapore-based market wire service.”
Ang mga lokal na kompanya ng langis ay karaniwang nagpapatupad ng fuel price adjustments tuwing Martes.
Sa pinakabagong datos mula sa Department of Energy (DOE), ang presyo ng gasolina ay mula P51.20 hanggang P58.01 per liter, habang ang diesel ay nasa P40.20 hanggang P45.50 per liter.
Comments are closed.