SA IKA-3 sunod na linggo ay muling tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo, na epektibo simula Martes, Hulyo 2.
Batay sa report, nasa P1.20 hanggang P1.30 kada litro ang magiging dagdag sa presyo ng diesel, habang nasa P0.90 hanggang P1 naman ang itataas ng presyo ng gasolina at kerosene.
Mula Hunyo 17, P0.65 na ang kabuuang dagdag sa presyo ng gasolina, nasa P0.75 naman sa presyo ng diesel, at P0.70 sa kerosene.
Ang price hike ay bunga ng paggalaw ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Batay sa source sa industriya, malaki rin ang epekto sa pagtaas ng presyo ng krudo ang away ng Amerika sa Iran at Venezuela kung saan kabilang ang dalawang bansa sa mga pangunahing pinagkukunan ng langis.
Comments are closed.