OIL PRICE HIKE NA NAMAN

OIL PRICE HIKE-2

PANIBAGONG pagtataas sa ­presyo ng mga produktong petrolyo ang sasalubong sa mga motorista sa susunod na linggo.

Ayon sa source sa Department of Energy (DOE),  ang presyo kada litro ng diesel ay inaasahang tataas ng P0.70 hanggang P0.80, habang maglalaro naman sa P1.10 hanggang P1.30 kada litro ang dagdag-presyo sa gasolina at P0.70 hanggang P0.80 sa kada litro ng kerosene.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nagpapatupad ng price adjustments tuwing Martes.

Noong nakaraang linggo ay may P0.25 dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina habang may bawas naman na P0.40/L sa presyo ng diesel at P0.35/L sa kerosene.

Sa pinakabagong datos mula sa DOE, ang presyo ng gasolina ay nasa P46.10 hanggang P56.49 kada ­litro, habang ang diesel ay naglalaro sa P38.84 hanggang  P43.60 kada  litro.

Ayon sa DOE, year-to-date, ang adjustments ay may net increase na P5.15 kada litro para sa gasolina, P3.30 kada litro para sa diesel at P1.75 kada litro para sa kerosene.

Comments are closed.