ONE HOSPITAL COMMAND PARA SA COVID-19

DOH

INILUNSAD na kahapon ng pamahalaan ang One Hospital Command para sa sentralisadong pag-aksiyon laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Nabatid na ito’y binubuo ng Department of Health (DOH), orga­nisasyon ng mga healthcare worker at mga lokal na pamahalaan.

“The One Hospital Command project, a centralized platform for managing secondary and tertiary care resources, is already operational and was officially launched today,” anang DOH.

Layon nito na pagtutulungan ng DOH at ng Health Professionals Alliance Against CO­VID-19 (HPAAC) ang pagtugon sa mga kritikal na bahagi sa healthcare system na kailangang palakasin upang magtagumpay ang bansa sa laban nito sa pandemya.

Nabatid na tutulong din ang HPAAC sa mga lokal na pamahalaan para palakasin ang kapasidad ng mga ito sa ‘telemedicine’ na siyang  iuugnay sa One Hospital Command.

“The DOH has organized the offices to lead the development of each program, assignments have been distri­buted to them, and they will be collaborating with civil society groups to finalize execution details shortly,” ayon pa sa DOH.

Nagbigay ng mahahalagang ambag ang mga medical society ukol sa mga matatagumpay na case studies para sa LGUs.  Makakatulong umano ito sa palakasin ang istratehiya sa mga target area nila.

Samantala, opisyal na ring sinimulan kahapon ang Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) stra-tegy na siyang magiging isang protocol sa paghahanap sa mga aktibong kaso sa mga komunidad sa pagtutulungan ng DOH at mga lokal na komunidad.

Umaasa ang DOH, ang panahon na isinailalim ang Metro Manila at karatig probinsya sa modified enhanced community quarantine ay magiging sapat para muling maibalik ang general community quarantine (GCQ). ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.