ONE MERALCO FOUNDATION NAG­HATID NG LIWANAG SA BULACAN

Nasa 255 residente ng Doña Remedios Trinidad (DRT), Bulacan ang naging ­benepisyaryo ng Household Electrification Program ng One Meralco Foundation. Makikita sa litrato ang mga ­benepisyaryo ­kasama ang mga volunteer mula sa Meralco, Meralco’s Sta. Maria Business Center, Plaridel Sector at ang DRT- LGU.

NAGHATID ng liw­anag ang One Meralco ­Foundation (OMF), ang social development arm ng Meralco, sa 255 na kabahayan sa ilang ­barangay sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan upang magkaroon ng abot-kaya at maaasa­hang serbisyo ng kuryente ang mga residente roon.

Nakipagtulungan ang OMF, Meralco Sta. Maria Business Center at Plaridel Sector, sa lokal na pamahalaan para makabitan ng mga individual service entrance sa mga bahay sa barangay Pulong, Sampaloc, Camachile at Camachin. Makatutulong ito para maiwasan na magkaroon ng sunog na kadalasang sanhi ng iligal na koneksyon at paggamit ng kandila na nagsisilbing pailaw sa gabi

Bahagi ito ng Household Electrification Program ng OMF, na ipinapatupad sa lugar sa tulong ni Doña Remedios Trinidad Mayor Ronaldo T. Flores.

Pinasalamatan ni Doña Remedios Trinidad Mayor Ronaldo T. ­Flores ang One Meralco Foundation para sa programang ­nakapagbigay ng serbisyo ng kuryente sa mga pamilya sa pitong barangay sa munisipalidad.

“Dahil sa ganitong prog­rama, napagaan po natin ang gastusin ng mga residente para magkaroon na ng kanya-kanyang metro ng kuryente. Taos-pusong pasasalamat sa Meralco, One Meralco Foundation, at mga contractor na may proyekto at serbisyo sa ating bayan. Kahit napakahirap puntahan ng mga lugar—akyat bundok, tawid ilog—ay ‘di sila sumuko para gampanan ang kanilang tungkulin at mapaabot ang magandang serbisyo sa DRT,” ayon kay Mayor Flores.

Ngayong mayroon nang sariling metro ang mga residente, maaari silang mas makatipid sa kuryente sapagkat nabigyan sila ng pagkakataon na pamahalaan ang kanilang konsumo.

Maaari nang makagamit si Ana Marie Galvez ng nebulizer sa ­kanilang bahay matapos makabitan ng sariling service entrance.

“Sa loob ng 15 taon ay nakaasa kami sa aming kapitbahay upang makigamit ng kur­yente. Napagkasunduan naming hatiin sa tatlong kabahayan ang bayarin kahit hindi magkakapareho ang kani-kanilang konsumo. Sa katuna­yan, isang electric fan at ilang ilaw lang ang gamit namin noon. Ngayon ay nakagagamit na rin kami appliances katulad ng nebulizer na nakatutulong tuwing ako ay hinihika,” pagbabahagi ni Ana Marie Galvez na residente ng barangay.

Napalago ng One Meralco Foundation beneficiary na si Leah Laron ang ­kanilang ­sari-sari store at ngayon ay mayroon na silang tindang yelo at ibang frozen ­products.

Natulungan din ng electri­f­i­cation program ang mga kabuhayan ng ilang residente gaya ni Leah Laron. “Mayroon na kaming bagong freezer na tulong sa paggawa ng yelo at storage ng ibang frozen pro­ducts na ibinebenta sa a­ming sari-sari store. Ngayong may internet access na kami, mas madali nang makakapag-­research ang mga anak ko para sa kanilang assignments. Gayundin, nakakausap namin ang mga kamag-anak na nasa malayo,” aniya.

“Nagbigay-daan ang community electrification program ng OMF upang makagamit ng basic services ang mga pamil­ya sa mga komunidad na hindi nahahatiran ng serbisyo ng kur­yente,” ayon kay naman Meralco Chief Corporate Social Res­ponsibility Officer at OMF President Jeffrey O. Tarayao.

Simula noong 2015, uma­bot na sa mahigit 2,600 bahay ang nabigyan ng kuryente sa iba’t ibang barangay sa Doña Remedios Trinidad. Katuna­yan pito sa walong barangay na ng munisipalidad ang natulungan ng programa ng OMF. Kinilala rin sa 2023 Meralco Luminaries ang matagumpay na implementasyon ng programa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa kanilang lokal na pamahalaan.

Ang Meralco at OMF ay kaisa ng gobyerno tungo sa layunin nitong 100% electrification sa bansa. Bukod sa Household Electrification Program, kabilang din sa mga programa ng OMF ang paghahatid ng serbisyo ng kuryente sa mga liblib na lugar, malala­yong pampublikong paaralan, health centers at iba pang pasilidad gaya ng water facilities na makatutulong sa pag-unlad ng buhay sa komunidad.