IPINATIGIL ng Bureau of Immigration (BI) ang online appointment sa mga dayuhan sa main office ng Immigration dulot sa reimposition ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila.
Sa pamamagitan ng isang public advisory ni BI Commissioner Jaime Morente, inabisuhan ang kanilang mga kliyente na mga mayroong mga confirmed appointments mula Agosto 3 hanggang 18 ay kinakailangang mag-re-apply para sa new schedules pagkatapos ng MECQ na ipinatutupad ng pamahalaan.
Ngunit mananatili ang online appointment system para sa mga dayuhan na gustong humingi ng Immigration Clearance Certificate (ECC) re-entry permit at para sa update ng kani-kanilang extension fees.
Samantala, ipinagbibigay alam ng BI sa mga outbound foreigner na magdala ng confirmed flight bookings o plane tickets bago pumasok sa bakuran ng immigration.
Sa kasalukuyan ay suspendido ang mga transaksiyon sa Immigration main office kabilang ang applications for conversion o renewal ng immigrant visa, petition for recognition as Philippine citizens, at dual citizenship, downgrading ng visa status, tourist visa extension, special work permits (SWP) at provisional permit to work (PPW), renewal ng alien certificate of registration (ACR I-Cards), at implementasyon ng aplikasyon ng visa conversion o extension.
Ipinagbibigay alam din sa mga departing alien na may tourist visa at lampas ng anim na buwan na sa bansa na magbayad na lamang ng kanilang visa extention sa airport. FROI MORALLOS
Comments are closed.