HINIHILING ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ibalik ang P192.5 milyon na nailabas noong taong 2012 para sa mga road projects sa Maguindanao.
Ito ay programang pinaglaanan ng milyon milyong piso sa ilalim ng PAyapa at MAsaganang PamayaNAn (PAMANA) program subalit hindi naman naimplementa ng AFP.
Nakipag-ugnayan si Dureza sa mga opisyal ng AFP na pinamumunuan ni 52nd Engineering Brigade commander Brigadier General Dionisio Baudin Jr. Dito partikular na tinukoy ni Sec. Dureza ang naantalang implementasyon na P100-milyon para sa Lamud-Ganassi-Biarong road sa bayan ng South Upi at P150 milyon para sa Makir-Sibuto-Kinabaka road sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.
Hindi naman umano pumalag ang AFP at agad na sumang-ayon ang kanilang mga kinatawan sa naging desisyon ni Sec. Dureza na ibalik sa kaban ng bayan ang hindi nagamit na pondo at hihiling na lang ng bagong pondong angkop sa kasalukuyang costing kompara noong 2012.
Nabatid pa na bunsod ng matagal na pagkakabalam ng implementasyon ng proyekto, ang hindi nagamit na pera ay itinuturing na ng Commission on Audit (COA) bilang “unliquidated funds.”
Ayon pa sa kalihim, dapat na naimplementa na ang nasabing proyekto ng dating administrasyon noon pang Hulyo 2012. “The funds had already been “downloaded” to the AFP,” ani Dureza.
“With funding from the Disbursement Acceleration Program (DAP), the previous OPAPP then released an initial amount of P192.5 million for the implementation of the projects in South Upi and Datu Odin Sinsuat in Maguindanao. No full release of the original project amount was due to the subsequent Supreme Court ruling declaring the DAP funds illegal, “ ayon sa findings ng COA. VERLIN RUIZ
Comments are closed.