PINAG-AARALAN ng Philippine National Railways (PNR) ang posibilidad na habaan pa ang kanilang operating hours makaraang matanggap ang bagong set ng mga bagon.
Target ng PNR na palawigin ang operasyon kahit hanggang alas-8:00 hanggang alas-9:00 ng gabi.
Sinabi ni PNR General Manager Jun Magno, pinag-uusapan na nila ang extension ng operasyon ng mga tren para mas lalong mapakinabangan ng publiko ang mga bagong train set.
Sa kasalukuyan ay hanggang alas-7:00 o alas-7:30 ng gabi lamang ang operating hours ng PNR habang maaga naman ang opening hour ng mga biyahe na nagsisimula ng alas-4:00 ng umaga, ngunit marami sa mga sumasakay ay nagtatrabaho bilang mga call center agent na naka-duty tuwing gabi at hindi na umaabot sa pinakahuling tren na bumibiyahe papunta sa mga business district ng Makati at Taguig.
Nitong Miyerkoles ay nagdaos ng arrival ceremony para sa mga bagong Diesel Multiple Unit rail cars ng PNR na galing sa Indonesia at magsisimula na itong bumiyahe sa Disyembre 16, 2019.
Comments are closed.