IPINATITIGIL ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang operasyon ng limang online lending firms.
Ayon sa inilabas na kautusan ng SEC, dapat itigil agad ng mga kompanyang Tacoloan, VCash, 365 Cash, SwipeCash, at BootCash ang kanilang operasyon hanggang makakuha ng kanya-kanyang Certificate of Authority to Operate bilang lending o financing Company.
Inatasan din ang mga kompanya, kanilang agents, representatives at promoters, gayundin ang mga may-ari at operators ng kanilang hosting sites, na tumigil sa pag-aalok at pag-a-advertise sa kanilang lending business sa pamamagitan ng internet o anumang media, at baklasin ang lahat ng materyales na may kinalaman dito.
Sinabi ng SEC na ipinalabas nito ang kautusan makaraang matuklasan na wala isa man sa limang online lending firms ang nakarehistro bilang isang korporasyon, o nakakuha ng CAs mula sa ahensiya.
Republic Act No. 9474, or the Lending Company Regulation Act of 2007 (LCRA), requires persons or entities operating as lending companies to register as corporations and to secure from the SEC the necessary authority to operate.
“T]he Commission finds and so holds that the issuance of a CDO is warranted in the instant case not only to stop the illegal act, but also to prevent the continued fraud on the public who are led by the Online Lending Operators to the belief that they are a legitimate business,” sabi ng Commission En Banc.
“The Commission is duty-bound to strictly implement the provisions of the [LCRA], ensure that public interest is at all times upheld, and that the public is protected from persons who carry out unauthorized or illegal lending activities,” dagdag pa nito.
Bukod sa kanilang ilegal na operasyon, sinabi ng SEC na nakatanggap din ito ng reklamo hinggil sa “unfair debt collection practices” ng online lending operators.
Para sa listahan ng licensed lending at financing companies at kanilang registration status, maaaring bumisita sa Lending and Financing Companies corner sa SEC website.