ANG technical-vocational course na Electrical Installation and Maintenance (EIM) na tinapos sa Mindanao State University-Iligan Institute of Technology (MSU-IIT) bilang ‘Scholar ng Bayan’ ang nagsilbing ‘pasaporte’ ni Rennie E. Miculob para makapagkolehiyo at maging Registered Electrical Engineer at Registered Master Electrician. Siya’y academician, kasalukuyang kandidato sa pagka-Doctor of Engineering, pioneer sa Photo-voltaic Solar Power with Net-metering, at isa sa mga 2019 Career Ambassador in TVET.
Si Engr. Rennie, taga-Iligan, ang itinanghal na Region 10 TESDA Idol 2019. At naging National 2nd Runner-up Winner, Wage-Employed Category sa TESDA Idol 2019. Ang kanyang mga Trade Qualifications ay EIM NC lll, EIM NC ll at Computer System Servicing NC ll.
Sa kabila ng pagiging consistent class valedictorian simula elementarya hanggang high school, naranasan ni Engr. Rennie na maging out-of-school youth (OSY) sa loob ng dalawang taon dahil sa kahirapan. Nagkaroon siya ng oportunidad na makapag-aral muli matapos pumasa sa scholarship exam sa MSU-IIT sa Iligan City bilang full scholar o grantee para sa 3-year Diploma in Electrical Engineering Technology. Nanalo siya bilang First Runner-up sa Region 10 nang lumahok siya sa Skills Olympics ng NMYC.
Agad siyang nagtrabaho bilang Area Coordinator sa Mission Awareness Program ng Missionary Society of St. Columbans na tumagal ng 18-taon. Habang nagtatrabaho, kumuha siya ng kursong Bachelor of Science in Electrical Engineering sa Cagayan de Oro College, nagtapos taong 2000, at pumasa sa board taong 2001. Holder siya ng dalawang master’s degree, Master of Business Administration (MBA) sa Xavier University, Ateneo de Cagayan taong 2007 at Master of Science in Electrical Engineering sa MSU-IIT noong 2013. Nagsimula siyang maging faculty member ng MSU-IIT noong 2008. Sa kasalukuyan, siya’y professor at in-charge sa Department of Electrical Engineering, Electronics Engineering, at Computer Engineering sa College of Engineering and Technology ng nasabing unibersidad. Pinarangalan siya ng Association for Engineering Education in Southeast & East Asia and the Pacific (AEESEAP) sa kanyang scientific paper kaugnay sa Photo-Voltaic Solar Power with Net-metering System in Local Grid”, naka-install na ito sa MSU-IIT.
Kasalukuyang tinatapos nito ang kanyang Doctor of Engineering major in Mechanical Engineering sa MSU-IIT. Nagpapakadalubhasa siya sa Robotics and Digital Control. Ang kanyang research paper ay may titulong “Design Optimization of Three-Phase Grid-connected Photo-voltaic Solar Power Plant with Energy Storage for Critical Load.” “I am also fortunate enough to have undergone training and or workshop in Photovoltaic solar power plant design and installation at Tatung University in Taipei, Taiwan last January 2019.”
Malaki ang pasasalamat ni Engr. Rennie sa tech-voc dahil natulungan nito ang kanyang pamilya, napag-aral ang mga kapatid na pawang matatagumpay ding propesyonal at ang dalawang anak nito ay kapwa kumukuha ng Doctor in Medicine.
“Now, this time as a Career Guidance Ambassador, I pledge to be an advocate so I can inspire the youth and influence career seekers to come up with a career decisions based on their potentials.”
Comments are closed.