MAS maraming Pinoy seafarer at kanilang kamag-anak ang magkakaroon ng pagkakataong makapagnegosyo at maiuwi ang nasa P500,000 kasabay ng paglulunsad ng National Reintegration Center for OFWs (NRCO) ng ikaapat nitong business plan competition.
Sa temang “From Seafarers to Entrepreneurs: The 2018 NRCO-ISP Business Plan Competition (Harnessing Seafarers Capaci-ties for Business Enterprises Development),” layon ng kompetisyon na mahikayat ang mga umuwing sea-based OFW na ituloy ang kanilang pangarap na makapagtayo ng negosyo at makapagbigay ng maayos na pamumuhay sa kanilang pamilya at empleyado. Katuwang ng NRCO ang Integrated Seafarers of the Philippines (ISP) sa proyektong ito.
Ang NRCO ay isang attached agency ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Layon din ng patimpalak na magbigay suporta sa pag-unlad ng mga trabaho sa mga komunidad.
Ang best NRCO – ISP Business Plan of the Year ay magwawagi ng grand cash prize na P500,000; P100,000 para sa First Run-ner-up; P50,000 para sa Second, Third at Fourth Runners-up; habang ang mga matitirang finalists ay hindi uuwi ng walang maku-kuha dahil tatanggap sila ng Php 20,000.00 para sa consolation prize.
Noong Nobyembre 2017, si Oswald Rollorazo, 48 taong gulang at maritime captain ang nagwagi bilang best business plan para sa kanyang TMR Ruminant Feeds sa Sta. Ignacia, Tarlac.
Ang kompetisyon ay bukas para sa mga indibidwal, pair at grupo (minimum ng 3 miyembro) ng mga aktibong seafarer, higit ang mga magreretiro na sa pandaragat at interesadong magtayo ng sariling negosyo. Maaari ring sumali ang mga hindi na aktibong sea-farer na nasa Pilipinas ng hindi hihigit sa limang taon at may adhikain ding pasukin ang mundo ng entrepreneurship.
Nagsimula nang tumanggap ng mga aplikante at business plan para sa kompetisyon ang NRCO noong Mayo 18 habang ang deadline para sa pagsumite ng entry ay sa Setyembre 7, 2018. PAUL ROLDAN
Comments are closed.