P11.00 NA PASAHE SA JEEP SALUBONG SA BAGONG TAON

NAKATAKDANG humirit ng taas-pasahe ang ilang transport group sa pagpasok ng buwan ng Enero.

Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin, maghahain sila ng petisyon para hilinging maitaas sa P11.00 ang kasalukuyang P9.00 na minimum o unang apat na kilometrong pamahase sa mga jeepney.

Iginiit ni Martin, kasunod ito ng inaasahang 1.50 sentimos na taas presyo sa krudo simula sa  Enero dahil sa epekto ng tax reform law.

Aniya, masyado nang mabigat ito para sa mga jeepney driver na nasa P400  hanggang P600 lamang ang kita sa bawat 14 hanggang 16 na oras na pamamasada.

Sinabi naman ni Fejodap President Zeny Maranan na posibleng tumaas pa sa P12 ang kanilang hirit para sa minimum na pamasahe lalo na kung papalo sa P59.00 ang kada litro ng diesel.

Sa kabila naman nito, nangako si Maranan na hindi sila magsasagawa ng transport strike sakaling hindi agad matugun-an ang kanilang petis­yon para sa taas-pasahe.  DWIZ882

Comments are closed.