COTABATO CITY–TINATAYANG aabot sa P13.6 milyong halaga ng shabu ang narekober ng awtoridad sa napatay na drug dealer kamakalawa ng hapon sa sinagawang counter illegal drug operation ng Philippine Marines at Cotabato City Police.
Patay ang drug personality na kinilalang si Tohami Kamsa nang manlaban ito sa awtoridad kasunod nang ikinasang buy-bust operation sa Barangay Poblacion IX ng nasabing lalawigan.
Sinasabing si Tohami Kamsa ay kabilang umano sa drugs watch-list ng Philippine National Police Drug Enforcement Group na kumagat sa pain ng isang pulis na nagpanggap na buyer, subalit natunugan ang nasabing transaksiyon at nanlaban ang suspek.
“Siyempre walang magawa ‘yong awtoridad… kundi idepensa ang kanilang mga sarili,” ani Cotabato City Police Chief Col. Richard Fiesta.
Nasamsam ng awtoridad ang 2 malaking pekete ng hinihinalang shabu na may bigat na 2 kilo at nagkakahalaga ng P13.6 milyon bukod pa sa kalibre .45 na baril at motorsiklo. VERLIN RUIZ
Comments are closed.