ZAMBOANGA CITY – TINATAYANG nasa dalawang kilo ng shabu na may street value na umaabot sa P13.6 milyon ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PDEG) sa ikinasang anti narcotics operation sa lalawigang ito.
Ayon kay PDEG Director BGen. Eleazar Matta, nakumpiska ang iligal na droga sa isinagawang buy bust operations nitong Biyernes ng madaling araw sa Barangay San Jose Gusu ng nasabing siyudad.
Naniniwala si Matta na malaking kawalan sa merkado ang nasabat nilang droga at pagkakadakip sa itinuturing na big time drug personality na responsable sa pagpapalaganap ng illegal drug trade sa lungsod at mga kalapit bayan.
Kasalukuyang nasa Zamboanga City Police Office Station 11 custodial facility ang suspek para sa temporary detention at para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.
VERLIN RUIZ