P137-M  NASIRA NG TAAL ERUPTION

TAAL VOLCANO

TINATAYANG aabot sa P137 milyon ang  kabuuang halaga ng nasira sa ilang   national road sa mga lalawigan ng Batangas at sa Cavite dulot sa pagputok ng Bulkang Taal,  ayon sa report na nakara­ting sa pamunuan ng  Department of Public Works and Highways.

Sinabi ni  Ernesto S. Gregorio Jr., hepe ng Bureau of Management (BOM) na  ang mga nasira ay bunga ng tuloy-tuloy na pagyanig  na mula sa  pagputok ng bulkan.

Ang mga apektadong national road ay ang Palico-Balayan-Batangas Road; Sinisian Bridge; Lemery Taal Diversion Road; Diokno Highway; Tanauan-Talisay-Tagaytay Road at Talisay-Laurel-Agoncillo Road.

Agad namang ipinadala ang mga tauhan ng DPWH Quick Response Teams para sa clearing operation ng mga apektadong kalsada.

Samantala, sarado pa rin sa riding public ang tatlong national  road na kinabibilangan ng Palico-Balayan-Batangas Road, K0127+050 – K0132+600 Mahabang Ludlod Junction, Lemery Town Proper, Batangas;, Tanauan – Talisay – Tagaytay Road,  Talisay, Batangas; at  Talisay – Laurel – Agoncillo Road, Laurel Section,  Batangas, Agoncillo Section, at isang unclassified road sa Brgy. Banyaga, Agoncillo. FROI MORALLOS

Comments are closed.