P15-M NA PEKENG ADHESIVE CEMENT NASAMSAM NG NBI

CENTRAL LUZON – NASAMSAM ng National Bureau of Investigation (NBI) ang P15 milyong halaga ng pekeng adhesive cement products sa magkahiwalay na bodega sa National Ca­pital Region at sa Central Luzon kasunod ng reklamo ng isang kompanya.

Sa ulat, sinalakay ng NBI Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) ang mga tindahan at bodega sa Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, at sa NCR.

Mahaharap sa rek­lamong trademark infringement at unfair competition ang establisimiyento.

Ayon pa sa NBI, maghain na rin ng motion for destruction ang complainant upang masira ang pekeng adhesive cements.

Kaugnay nito, binanggit din ng mga awtoridad na ang sina­lakay na establisyimento ay napag-alaman na hindi rin nagbabayad ng buwis.

EVELYN GARCIA