P1,500 WAGE HIKE SA KASAMBAHAY SA METRO, PINURI NG WORKERS’ GROUP

IKINATUWA ng isang grupo ng mga manggagawa ang P1,500 salary increase ng domestic workers sa Metro Manila.

“This is a breath of fresh air for Christmas for our kasambahays,” wika ni lawyer Sonny Matula, presidente ng Federation of Free Workers (FFW). “We welcome the increase in the minimum wage of kasambahays in Metro Manila by P1,500. The proposal will make the threshold wage from P3,500 (in 2017) to P5,000.”

Kasabay nito ay nagpasalamat ang grupo sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) – NCR sa pagkakaloob ng umento.

“Thank you to the RTWPB of NCR for acting with dispatch, and approving the new minimum wage increase by PHP1,500 for kasambahays in Metro Manila before Christmas,” ani Ma­tula.

Sakop ng dagdag-sahod ang house helpers, yaya, cooks, gardeners, at  laundry persons.

Batay sa Wage Order NCR-DW-02, ang bagong monthly minimum wage rate ay magiging P5,000.

Naniniwala ang opisyal na ang umento ay matagal na sanang ibinigay.

“Naiwan na ang mga kasambahay ng National Capital Region ng kanilang mga kasama sa ibang rehiyon. The latest data of NWPC shows that Metro Manila is already left behind. The highest-paid domestic workers now are those located in cities and first-class municipalities in Region 1 or the Ilocos Region,” dagdag pa ni Matula.

Ang kanilang minimum wage ay may ­average na P4,500 kada buwan.

Ang iba pang lungsod at first-class municipalities sa Cordillera region,  Region 3 (Central Luzon), at Region 6 (Western Visayas) ay may mas mataas na basic wages kumpara sa NCR na nasa P4,000 kada buwan.

Pinaalalahanan ng FFW ang mga employer na ang mga kasambahay ay mga ­manggagawa rin na dapat bigyan ng 13th-month pay.

“We have to treat kasambahays like us, workers with honor and dignity and entitled to certain benefits like the 13th-month pay and service incentive leave,” ani Matula.

Sa ilalim ng umiiral na batas, ang isang kasambahay na nakapagserbisyo ng hindi bababa sa isang buwan ay dapat bigyan ng 13th-month pay, na hindi dapat bababa sa one-twelfth ng kanyang total basic salary na tinanggap sa calendar year.  PNA

Comments are closed.