INILATAG ng state-owned Land Bank of the Philippines ang isang educational loan program na nagpapahintulot sa mga estudyante, sa pamamagitan ng kanilang mga magulang o guardians, na maka BAWAS-PRESYO SA PETROLYO P1.50/L sa diesel, P1/L sa gasolina hiram ng hanggang P150,000 para pambayad sa matrikula.
Tinawag na Interim Students’ Loan for Tuition toward Upliftment of Education for the Development of the Youth (i-STUDY), ang programa ay nag-aalok sa mga borrower ng halaga na katumbas ng isang school year o dalawang semesters.
“This program will not only help families who have kids they want to send to school, but will also assist private schools and downstream industries to sustain and continue their operations,” wika ni LandBank president and chief executive officer Cecilia Borromeo.
Ayon sa LandBank, ang maximum loan amount ay P150,000 kada estudyante, base sa school-issued Enrollment Assessment Form na may schedule ng assessment fees.
Ang loan ay may 5% interest rate per annum at penalties na 24% per annum.
Comments are closed.