CALOOCAN CITY– ARESTADO ang apat katao kabilang ang isang negosyante at tatlong kasabwat makaraang makuhanan ng P180k na halaga ng marijuana nang makatanggap ng tip ang pulisya sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang mga suspek na sina Paul Andrew Decena, 30, negosyante, ng Brgy 168 Deparo, Caloocan City; Wifredo Verzosa, 29, istambay, ng Brgy 171; John Erick Pedelino, 27, istambay, ng Sta. Cruz, Manila; at Abegail Torres, 22, istambay, ng Brgy 168, Deparo, Caloocan City.
Ayon sa pulisya, alas-7 ng gabi kamakalawa nang masakote ang apat sa Brgy 168, Deparo, Caloocan City.
May nagnguso sa mga parak ukol sa transaksyon ng ilegal na droga sa nasabing lugar at sa pagresponde ng mga pulis ay nahuli sa akto ang apat at agad na dinampot.
Nakuha sa mga dinakip ang 1.5 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may tinatayang halaga na Php180,000, isang timbangan, at drug paraphernalia na dinala sa Northern Police District Crime Laboratory para sa eksaminasyon.
Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang haharaping kaso ng mga dinakip. VICK TANES
Comments are closed.