P2.25-B LOAN SA RICE FARMERS IPINAMAHAGI NG DA

Agriculture Secretary William Dar-7

MAY kabuuang P2.249 billion na loan assistance ang ipinamahagi ng Department of Agriculture (DA) para sa mga magsasaka na naapektuhan ng pagbagsak ng presyo ng palay kasunod ng pagpapatupad ng Rice Tariffication Law.

Ang pautang para sa rice farmers ay  nasa ilalim ng Expanded Survival and Recovery Assistance (SURE Aid) Program ng DA.

“At the end of January 2020, we are pleased to report that we have disbursed a total of P2.249 billion or 90% of P2.5 billion total credit fund provided by the Agricultural Credit Policy Council (DA-ACPC) to assist rice farmers under the Expanded Survival and Recovery Assistance Loan Assistance for Rice Farmers Program or SURE-Aid Program,” wika ni Agriculture Secretary William Dar.

Ayon kay Dar, may 149,910 rice farmers mula sa 166,665 na tinarget na  potential borrowers ang tumanggap na ng P15,000 cash assistance sa pamamagitan ng distributed cash cards ng Land Bank.

May P45.06 million na  cash assistance din ang ipinagkaloob sa 3,004 rice farmers o 100%  ng total identified borrowers sa Maguindanao province.

Ang nalalabing P251 million ay inaasahang ipalalabas sa sandaling matapos ang pagproseso sa karagdagang loan applications mula sa pitong probinsya (Cagayan, Isabela Santiago City, Quirino, Nueva Viscaya, Sorsogon, Albay at Eastern Samar).

“Currently, we have  16,755 remaining applications on-process on which 1,645 for validation, 4,125 for certification of REDs and 10,985 loan applications with respective Landbank of the Philippines-Lending Centers for processing and/or releasing,” sabi pa ng kalihim.

Layunin ng SURE-Aid program, na nagsimula noong September 2019, na matulu­ngan ang mga mag-sasaka na naapektuhan ng biglang pagbulusok ng farm gate price ng palay sa pamamagitan ng pagkaka-loob ng one-time loan na P15,000 sa marginal rice farmers na may isang ektarya at pababa na walang interes at maaaring bayaran sa loob ng walong taon.