P223.9-B TAX COLLECTION TARGET NG BLGF SA 2021

Erick Balane Finance Insider

KUMPIYANSA ang Bureau of Local Goverrnment Finance (BLGF) na kayang kolektahin ang tax collection goal na iniatang sa lahat ng city, municipality at provincial treasurers sa bansa bago matapos ang buwan ng Disyembre ngayong fiscal year 2021.

Dahil sa pinsalang dulot ng COVID-19 sa business operations sapul pa noong 2020 hangang ngayong 2021, ang initial revenue target ay tatlong porsiyento na mas mababa sa orihinal na medium-term program na P321.60 bilyon o itinakda lamang sa P223.90 bilyon.

Ang initial aggregate collection performance target ng bawat local treasurer ay ibinahagi sa mga sumusunod: P165.20 bilyon sa cities, P32.23 bilyon sa provinces at P26.47 biyon naman sa municipalities.

Sa klase ng imposisyon, ang halagang P97.75 bilyon o 44 porsiyento ng local revenue target ay kokolektahin mula sa Local Business Tax (LBT) at iba pang buwis na katulad nito, P76.03 bilyon o 34 poresiyento ay mula sa Real Property Tax (RPT) at Special Education Funds (SEF), P29.76 bilyon o 30 porsiytento ay buwis mula sa Regulatory Fees (RF) at sa tinatawag na users charges at ang P20.35 bilyon o siyam na porsiyento ay mula sa mga resibo sa operasyon ng Local Economic Enterprise (LEE).

Ibabahagi ang kalahati mula sa source of revenues na ito sa National Capital Rgion (NCR) na may total amount na P102.07 bilyon (46%), sumusunod ang Region VI-A at Region III na may P34.13 bilyon (15%) at P19.89 bilyon (9%), ayon sa pagkakasunod.

Ang regional breakdown at sources ng fiscal year 2021 local collection target ay gaya ng mga sumusunod: NCR,P102.7B; CAR, P1.99B; Region I, P6.74B; Region 2, P3.50B; Region 3, 19.89B, Region 4, P34.14B; Mimaropa Region, P2.50B; Region 5, P3.83B; Region 6, P9.28B; Region 7, P12.06B; Region 8, P3.37B; Region 9, P7.16; Region 10, P8.16B; Region 11, P8.85B; Region 12, P3.29B; Region 13 Caraga), P2.86B; at BRMM, P0.24B o kabuuang P223.90 bilyon.

Ang setting adjusted performance target na ginawa sa  mga local treasurer noong fiscal year 2020 sa pagputok ng pandemyang COVID-19 ng BLGF ay nagpababa ng halos P193.04 bilyon sanhi ng  community quarantine guidelines, resumption ng  business operations, extention of payments deadlines, online adaption, alternative payment facilies at iba pang paghihigpit  na nagresulta rin ng pagbagsak ng ekonomiya, kawalan ng trabaho at maraming iba pa ang naapektuhan sa kawalan ng panggastos o pananalapi.

Ang revenues o kita ng mga LGU ngayong fiscal year 2021 ay inaasahang  bababa pa ng hanggang 7% sa pagpapatuloy ng pandemya.

Gayunman, umaasa pa rin ang mga LGU  chief na makakabangon pa rin sila sa kabila ng pananalasa ng pandemya.

Ang annual setting  ng nasabing revenue target ay bahagi na ng administrative at technical supervision ng Department of Finance sa ilalim ng liderato ni Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III, chief convenor ng economic managers ni Presidentre Duterte – at kabahagi rin nito ang BLGF – maging ang Phlippine Development Plan (PDP).

May kahalintulad ding programang isinasagawa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC).

Sa BOC, kakaibang klaseng set-up of collections ang ipinatutupad ni Commissioner Rey Guerrero.

Mas tinututukan nito ang pagsupil sa smuggling activities, pagsasampa ng smuggling cases sa mga korte at paglilinis ng katiwalian sa pamamagitan ng pagsibak sa mga nasasangkot sa anomalya.

Sa BIR, nakatutok naman si BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay sa collection performance ng mga Regional Director (RD) at Revenue District Officer (RDO), particular sa hepe ng Large Taxpayers Service (LTS) na siyang bulto ng koleksiyon ng buwis dahil nasa ilalim ng hurisdiksiyon nito ang pag-iimbestiga sa mga tinaguriang big-time taxpapers, gayun din ang pagsasampa ng tax evasion cases sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis at ang paghahabol sa  back taxes na naka-pending sa iba’t ibang korte.

Ang LTS ang  nagsisiyasat sa generating income ng 1st 2,000 business at corporate taxpayers sa buong bansa. Ang 60% ng overall collections ng BIR ay obligadong kolektahin ng LTS, habang ang 40% ay  iniatang ng DOF sa  21 RDs at 132 RDOs sa buong kapuluan.

Nananatili pa ring topnotchers sa hanay ng mga regional director at revenue district officer sina Ed Tolentino (East NCR), Albin Galanza (Quezon City), Gerry Dumayas (Caloocan City), Jethro Sabariaga (Manila City), Maridur Rosario (Makati City) at sina RDO’s Rufo Ranario, Rodel Buenaobra, Arnulfo Galapia, Tony Ilagan, Deo Villar, Bethsheba Bautista, Cynthia Lobo, Boy Gamad, Jun Mangubat at maraming iba pa.

Inaasahang isa pang major revamp ang magaganap sa BIR sa sandaling magretiro sa serbisyo si BIR Deputy Commissioner for Human Resource Celia King sa daratring na Setyembre 20. Si DepCom King ay nagsimulang manungkulan sa BIR sa pinakamababang puweto hanggang maging examiner, group supervisor, revenue district officer, division chief, assistant commissioner at sa kanyang pagrerertiro ay naging isa sa pinakamahusay na senior deputy commissioner ng Kawanihan ng Rentas Internas.

vvv

(Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa  09266481092 o mag-email sa [email protected].)

39 thoughts on “P223.9-B TAX COLLECTION TARGET NG BLGF SA 2021”

  1. safe and effective drugs are available. Read information now.
    canadian drugs
    Everything about medicine. Comprehensive side effect and adverse reaction information.

  2. drug information and news for professionals and consumers. Read now.
    tadalafil mexico
    Prescription Drug Information, Interactions & Side. Commonly Used Drugs Charts.

  3. Prescription Drug Information, Interactions & Side. Commonly Used Drugs Charts.
    tadalafil coupon
    What side effects can this medication cause? Actual trends of drug.

Comments are closed.