UMABOT sa P230.23 billion ang halaga ng pautang na ipinagkaloob ng state-run lender Land Bank of the Philippines sa sektor ng agrikultura hanggang noong Oktubre.
Ang halaga ay kumakatawan sa 94 percent ng target ng bangko na P245 billion na loans para sa mga magsasaka at mangingisda ngayong taon.
Ayon kay Landbank president and CEO Cecilia Borromeo, sa ipinalabas na P230.23 billion na loans, two-thirds o P145.86 billion ang napunta sa small, medium, and large agribusinesses enterprises, habang ang nalalabing P35.66 billion ay tinanggap ng maliliit na magsasaka, mangingisda, at agri-aqua related projects ng local government units (LGUs) at P48.71 billion ang napunta sa government-owned and controlled corporations (GOCCs).
“In particular, small farmers and fishers borrowed a total of P1.36 billion through direct lending, while loans to conduits such as cooperatives and farmers’ associations, rural financial institutions, and other lending mechanisms amounted to P34.3 billion,” ayon kay Borromeo.
Aniya, hanggang noong Oktubre, ang Landbank ay nagkaloob ng P8.31 billion na loans sa pamamagitan ng mga programa na ipinatutupad nito para sa Department of Agriculture (DA), tulad ng mga nasa ilalim ng Agricultural Competitiveness Enhancement Fund (ACEF), ng Socialized Credit Program sa ilalim ng Sugarcane Industry Development Act (SIDA), ng Expanded Rice Credit Assistance (ERCA) sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), at ng Survival and Recovery Assistance (SURE-Aid) para sa rice farmers.
Comments are closed.