UMAABOT sa kabuuang $533 million o P27.8 billion ang ipinadala ng overseas Filipino sailors sa bansa noong Enero 2019.
Napag-alaman na mas mataas ito ng 12.7 percent sa $473 million o P24.6 billion remittances na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Nauna rito ay sinabi ng Maritime Industry Authority (MARINA) na ang Filipinas ay nananatiling nasa ‘white list’ ng mga bansa na ‘fully compliant’ sa International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers.
Noong 2018, ang Filipino sailors ay nagpadala ng kabuuang $6.14 billion sa bansa sa pamamagitan ng mga bangko, mas mataas ng 4.5 percent mula sa $5.87 billion noong 2017.
Comments are closed.