P3-B PAUTANG SA BUS OPERATORS INILATAG NG LANDBANK

BUS-2

NAGLAAN ang state-owned lender Land Bank of the Philippines ng P3 billion para sa lending program nito para sa mga bus operator na nangangailangan ng kapital upang maging moderno ang kanilang mga sasakyan.

Ang paunang  P3-billion para sa Interim Rehabilitation Support to Cushion Unfavorably-affected Enterprises by COVID-19 for Better Urban Services Transport (I-RESCUE for BUS) lending program ay inilaan para sa pagbili ng public transport cooperatives at  corporations ng modern public utility buses.

Ayon sa LandBank, ito ay bilang suporta sa Metro Manila Bus Modernization Program ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sinabi ni Landbank president and CEO Cecilia Borromeo na ang I-RESCUE for BUS Transport Lending Program ay nag-aalok ng pautang sa PUB (public utility bus) operators para makapag-invest ang mga ito sa mga bagong bus na may pinakabagong innovative technology.

“This also forms part of Landbank’s support to the DOTr and LTFRB towards building a modernized transport system that provides commuters with safe, reliable, and convenient transportation services,” sabi pa ni Borromeo.

Ang mga kuwalipikadong kompanya ay maaaring makahiram ng hanggang 80% ng halaga ng bibilhing bus na may fixed interest rate na 5% per annum para sa unang tatlong taon.

Maaaring bayaran ang loan ng hanggang pitong taon, kasama na rito ang two-year grace period sa principal.

Ayon sa Landbank, ang  I-RESCUE for BUS Transport lending program ay tatakbo hanggang Disyembre  31, 2021.

Ang mga interesadong borrower ay maaaring makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Landbank Lending Center o branch sa buong bansa, o tumawag sa customer service hotline ng Landbank sa (02) 8-405-7000 o sa aPLDT Domestic Toll Free 1-800-10-405-7000.

Comments are closed.