NGAYONG taon ay naglaan si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ng P331 bilyon para sa mga proyektong pang-imprastraktura sa bansa.
Ito ay bahagi ng 185 flagship infrastructure projects na may layuning mapabuti ang transportasyon, komunikasyon at iba pang sektor.
Ito ay may P331 bilyon na pagtaas mula sa P0 na inilaan noong nakaraang taon.
Mahalagang bantayan ang pagpapatupad ng mga proyektong ito upang masiguro ang integridad at tranparency sa pamahalaan.
Sa kasalukuyang fiscal year, ang national government ay naglaan din ng kabuuang halagang P4.49 trilyon para sa kapakanan ng mga mamamayan. Ito ay mas mataas kumpara sa P416 trilyon na ginastos sa parehong panahon noong nakaraang taon (Oktubre 2022-May 2023) na may P331 bilyon na pagtaas.
Ang mga pangunahing proyektong pang-imprastraktura sa Pilipinas ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Build Build Build Program – Ito ang pangunahing proyekto sa imprastraktura ng Pilipinas mula 2016 hanggang 2022 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Layunin nito na mapabilis ang pag-unlad ng imprastratura sa iba’t ibang sektor tulad ng transportasyon, enerhiya, teknolohiya at urbanisasyon sa buong bansa.
- Mga proyektong paliparan – Kasama ang mga proyekto para sa modernisasyon at pagpapalawak ng mga paliparan sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.
- Mga proyektong pabahay – Isa rin ito mga proyekto para sa pagpapalawak at pagpapabuti ng mga pabahay para sa mga mamamayan.
- Mga proyektong riles – Layunin nito ang pagpapalawak at pagpapabuti ng mga riles para sa mas mabilis na transportasyon.
- Mga pasilidad at palakasan- Kasama rito ang mga proyekto para sa pagpapalawak at pagpapabuti ng mga highway, tulay at mga sistema sa pagpapadaloy ng patubig.
Sa kasalukuyan, ang Build Build Build Program ay nasa gitna na ng pagpapstupad ng iba’t ibang proyektong pangimprastraktura.
Ayon sa pinakahuling ulat mula sa National Economic and Develooment Authority (NEDA), may 37% na ang naaprubahan ng NEDA Board, samantalang 29 pa ang naghihintay ng pagsang-ayon at siyam dito ay nangangailangan ng anumang pahintulot.
Gayunman, mahalaga na tukuyin na kahit may mga proyektong natapos na, marami pa ring nasa proseso ng pagpapatupad na inaasahang matatapos din sa hinaharap.
Ang mga proyektong ito ay magbubukas ng maraming trabaho sa mga Pilipino.
Ang paggastos sa imprastraktura ay nagpapalakas sa ekomomiya. Ito ay nagdudulot ng mas mabilis na pag-unlad sa mga sektor tulad transportasyon, turismo, at negosyo.