KAKAILANGANIN ng pamahalaan ng P40 billion hanggang P50 billion upang tustusan ang fourth tranche ng salary hike ng may 1.3 milyong government workers sa buong bansa, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
“All (government) jobs are covered by the Salary Standardization Law. There are some GOCCs (government-owned or -controlled corporations) covered also by the SSL. Our estimate is around P45 to P50 billion,” pahayag ni DBM Assistant Secretary Myrna Chu.
Nakasaad sa Salary Standardization Law na ang buwanang sahod ng entry-level personnel sa teaching profession, o Teacher 1, ay tataas sa P20,754 ngayong taon mula sa P20,179.
Gayunman, nanindigan ang DBM na maibibigay lamang ang salary hike sa sandaling maaprubahan ang 2019 budget.
Tinukoy ang Executive Order 201 series of 2016, sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno noong nakaraang linggo na ang salary increase ay maaari lamang maipatupad kapag naaprubahan na ng Kongreso ang budget.
“This is the legal basis for the grant of the salary increase in four tranches from 2016 to 2019,” wika ni Chua.
Noong nakaraang linggo ay nagbanta rin si House Majority Rolando Andaya Jr. na kakasuhan si Diokno kapag hindi ipinatupad ng DBM ang wage hike.
“Sue me,” sagot naman ni Diokno.
Noong Lunes ay tinotoo ni Andaya ang kanyang banta at hiniling sa Korte Suprema na atasan ang DBM at si Diokno na ipalabas ang fourth tranche ng salary adjustment.
Si Andaya at ang 50 iba pang petitioners ay naghain ng 28-pahinang petition for mandamus para atasan ng SC si Diokno na ipatupad ang salary increase sa ilalim ng Executive Order 201 na nilagdaan ni dating Presidente Benigno Aquino III noong 2016.
Sinabi ng mga petitioner na nagpabaya si Diokno ate DBM sa kanilang ministerial duty na ipalabas ang pondo at personnel benefits na itinatakda ng EO 201. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.