HINDI na muna ipatutupad ng ride-hailing company na Grab ang P50 cancellation fee para sa kanilang mga customer.
Ayon sa Grab, hinihintay pa nila ang guidelines sa mga pasahero at ang driver cancellation policies na magmumula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Nauna nang inanunsiyo ng Grab na ipapataw nila ang multa sa mga customer na magkakansela ng booking limang minuto makaraan itong mabigyan ng confirmation notice at sa mga hindi magpapakita sa kanilang driver-partners sa loob ng limang minuto.
Sinabi ni Grab public affairs manager Nicka Hosaka na nakipagpulong ang mga kinatawan ng transport network company (TNC) at iba pang TNC sa LTFRB noong Martes, Mayo 7.
“A technical working group (TWG) composed of representatives from different TNCs was created, and was constituted to dis-cuss passenger and driver cancellation policies,” ayon sa kompanya.
Comments are closed.