P6.3-M SMUGGLED NA SIGARILYO NASABAT

sigarilyo

NAHARANG  ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police (PNP) sa Port of Dadiangas ang 12,500 reams ng smuggled na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng P6.3 milyon.

Ang naturang mga sigarilyo ay lulan ng isang Isuzu Fuso Fighter truck nang ma-intercept sa isang checkpoint ng mga tauhan ng PNP sa Makilala North Cotabato.

Ayon sa report na nakarating sa pamunuan ng BOC,  ang limang suspek at ang mga kontrabandong sigarilyo ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Makilala Police Station.

Agad namang inisyuhan ng Warrant of Seizure and Detention ang mga puslit na kargamento dahil sa paglabag sa Section 1113 na may kaugnayan sa  Section 117 at Section 1400 ng Republic Act No. 10863 o ang Customs Modernazation and Tariff Act (CMTA). FROILAN MORALLOS