NILAGDAAN na kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2021 national budget na nagkakahalaga ng P4.5-trilyon.
Ang spending measure para sa susunod na taon ay pinirmahan ng Pangulo sa isang seremonya sa Malacañang na dinaluhan ng mga piling miyembro ng Senado at Kamara.
Kabilang sa mahahalagang probisyon ng budget ang P72.5 billion na inilaan para sa vaccination program ng pamahalaan laban sa COVID-19.
Sa naturang halaga, P2.5 billion ay nasa ilalim ng Department of Health (DOH) habang ang nalalabi ay nasa ilalim ng unprogrammed appropriations.
“Let me stress that one of the most important items in the 2021 budget is the allocation of P72.5 billion for the purchase of storage, transportation, and distribution of COVID-19 vaccines,” wika ni Duterte.
“Every centavo of this budget must be spent to ensure the nation’s recovery, resilience, and sustainability. Let me, therefore, serve an assurance to the Filipino people—this coming year, we intend to recover as one nation,” dagdag ni Duterte.
Ang sektor ng edukasyon, na sumasaklaw sa Department of Education, state universities and colleges, Commission on Higher Education, at Technical Education and Skills Development Authority, ang nakakuha ng pinakamalaking budget sa P708 billion.
Sumusunod ang Department of Public Works and Highways na may alokasyon na P694 billion.
Pumangatlo ang health sector na may P287 billion allocation. Ang pondo ay para sa Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, specialty hospitals, Philippine Institute Of Traditional and Alternative Health Care, at Health Facilities Enhancement Program, at sa COVID-19 vaccine.
Ikinatuwa naman ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance, ang paglagda ng Pangulo sa pambansang budget.
Ayon kay Angara, sinisigurado nito na maipatutupad ang budget simula Enero 1, 2021.EVELYN QUIROZ, LIZA SORIANO
Comments are closed.