HELLO, mga BES! Welcome ulit sa isa na namang Usapang Business, Entrepreneurship at samu’t sari pang iba! Ngayong linggong ito, ating pag-usapan, ngayong may negosyo ka na, paano mo ba ito maima-market para mas dumami pa ang iyong customers at lumago ang iyong kita. Narito ang ilang mga hakbang na maaari nating gawin.
MAGSAGAWA NG MARKET RESEARCH
Ang pagkakaroon ng market research ay mahalaga para sa ikauunlad ng iyong negosyo. Hindi naman ito kailangang maging sobrang kumplikado. Ilang halimbawang pagre-research ay ang pagtatanong sa iyong mga existing customer kung ano pa ba ang puwedeng i-improve sa iyong produkto, o kaya naman ay ano pa ba ang product na puwede mo pang mai-offer sa kanila. Isa pang halimbawa nito ay ang competitor scan o pagtingin sa ginagawa ng competition. Ito ay mahalaga rin para mas mapaganda mo pa ang iyong product at service.
KILALANIN ANG IYONG CUSTOMERS
Mahalaga na kilala mo ang iyong customers. Hindi lang basta kilala, kundi KILALANG- KILALA. Ibig sabihin nito, dapat ay klaro para sa ‘yo kung sino ang iyong target market. Ilan sa mga tanong para malaman mo ito ay, “Ilang taon ang customers mo?”, “Sila ba ay nasa anong economic category?”, “Ano ang specific product na hanap nila?”. Mga halimbawa lamang ‘yan ng mga tanong na makatutulong sa ‘yo para makilala ang iyong mga customer.
MAGKAROON NG “UNIQUE SELLING PROPOSITION”
Simple lamang ito. Ano ba ang mayroon sa iyong product or service para ikaw ang piliin ng mgamamimili? Dapat ito ay clear at concise upang madaling matandaan at tumatak sa isipan ng iyong mga target na customer.
I-DEVELOP ANG IYONG BRAND
Mahalaga sa negosyo ang isang “strong brand”. Ito ay makatutulong upang madaling makilala ng mga tao ang iyong produkto o serbisyo. Dapat ito ay sakto rin sa iyong unique selling proposition. Ang magandangbrand ay ‘yung may “connect” sa iyong target customers.
MAGLAAN NG BUDGET PARA SA MARKETING
Importante rin sa negosyo na maglaan kahit paano ng budget para sa marketing. Katulad sapanahon ngayon na social media ang isa sa pinakagamit na marketing channel, maaaring maglaan ng budget para sa boosting o kaya naman ay mga digital ads para makatulong i-advertise ang iyong product or service.
ALAGAAN ANG IYONG CUSTOMERS
Ang pinaka-importanteng klase ng marketing ay ang pag-aalaga sa ating mga customer. Napakahalaga na ang customer natin ay laging masaya sa ating product or service. At ito ay mangyayari lamang kung ating tuloy-tuloy na ini-improve ang ating service or products. Sa pamamagitan nito, naibibigay natin ang tunay na kailangan nila at sila ay magkakaroon ng loyalty sa ating brand. Maraming salamat po muli sa pagtutok ninyo sa ating lingguhang kuwentuhan dito sa USAPANG BES – Usapang Business, Entrepreneurship at samu’t pang iba! Kung may request po kayong topic or kung may katanungan po kayo, maaari po kayong mag-email sa inyong lingkod sa [email protected] o kaya naman ay i-LIKE ang aking Facebook page – RICCON LEONARDO.
Hanggang sa susunod na Huwebes, mga BES!
60966 760647If youre needing to produce alteration in an individuals llife, during i would say the Are usually Bodyweight peeling off pounds training course are a wide path in the direction of gaining any search. la weight loss 400777
339732 159524Excellently written article, doubts all bloggers offered the identical content since you, the internet has to be far greater location. Please stay the most effective! 356459
588875 758509This really is something I truly have to try and do a great deal of analysis into, thanks for the post 945683