PINATITIYAK ni House Assistant Majority Leader Julienne Baronda na may sapat na pondo para sa pabahay sa mga mahihirap sa 2020.
Nababahala si Baronda sa patuloy na pagtaas ng informal settlers sa bansa sa 1.5 million noong 2011 sa 2.2 million noong 2015.
Nabatid pa na umabot sa 5.7 million ang housing backlog mula 2011 hanggang 2016 at kinakailangang makapagtayo ng 2,602 na housing units kada araw sa susunod na anim na taon para masolusyunan ang backlog.
Kinuwestiyon naman ng neophyte congresswoman ng Iloilo City kung bakit pababa ang trend ng budget for Housing and Community Amenities mula P11.61 billion noong 2017, P7.5 billion sa 2018 at P5.5 billion sa 2019.
Siniguro naman ni Budget Acting Sec. Wendel Avisado na tumaas ang pondo para sa housing mula P6.296 billion noong 2018 ay tumaas ito sa P8 billion sa 2020.
Iginiit naman ni Avisado na anuman ang nakalagay sa NEP ay hindi masusunod at ang susunding alokasyon ay ang 2020 GAA na inaprubahan ng Kongreso at ng Pangulo. CONDE BATAC
Comments are closed.