PACMAN BALIK SA RING

Manny Pacquiao

MAGBABALIK sa ring si Filipino boxing icon at dating Senador Manny Pacquiao ngayong 2023 makaraang pumirma sa isang deal sa Rizin Fighting Federation, isang Japanese mixed martial arts organization. 

Ginawa ni Pacquiao ang pahayag noong New Year’s Eve sa Saitama Super Arena sa Japan.

“I have agreed with Rizin to fight next year, the date will soon be announced, and also my opponent that Rizin will choose,” sabi ni Pacquiao.

Hindi binanggit ni Pacquiao kung ang fight ay isang official match o exhibition, ngunit sinabi niyang bukas at excited siyang makaharap ang isang Japanese fighter.”

Ang 44-anyos na si Pacquiao ay nagretiro sa boxing bago ang May 2022 national elections, kung saan tumakbo siya sa pagka-pangulo. Ang kanyang huling laban ay isang unanimous decision defeat kay Yordenis Ugas noong August 2011 sa Las Vegas.

Muli siyang lumaban via exhibition kontra Korean YouTuber at mixed martial artist DK Yoo, kung saan nanalo siya via unanimous decision sa isang six-round affair noong nakaraang December 11.