PACQUIAO-MAYWEATHER REMATCH SA 2024?

UMAASA si dating world champion Manny  Paccquiao na makaharap si  American rival Floyd Mayweather Jr. sa isang rematch sa 2024.

Ginawa ni Pacquiao ang pahayag sa kanyang appearance sa Rizin 45 sa Japan, kasama si  Rizin chief executive Nobuyuki Sakakibara. Si Pacquiao ay pumirma sa Rizin noong April 2019.

“Can you please fight Floyd Mayweather next year?” pagtatanong ni Sakakibara kay Pacquiao, sa isang video na ipinost sa social media accounts ng Rizin.

Bilang sagot, sinabi ni Pacquiao na: “Thank you so much for inviting me here again. I’m sorry for the last time that we promised we were going to fight this year, but like Sakakibara explained, this year I will see you here in Japan again with a big fight against …”

Napahinto si Pacquiao at sumingit si Sakakibara at sinabing: “Floyd Mayweather.”

“Floyd Mayweather, yeah,” ani Pacquiao.  “I thought you didn’t want me to say that. But I’m excited for that. Thank you for always supporting Rizin, and thank you Sakakibara-san.”

Wala nang karagdagang detalye sa inanunsiyo nina Pacquiao at Sakakibara.

Sina Mayweather at Pacquiao ay huling nagsagupa noong May 2015, sa labang tinawag na  “Fight of the Century.” Nagwagi ang American via unanimous decision upang mapanatiling malinis ang kanyang record.