NAGPAKITANG-GILAS si Senador Manny Pacquiao sa kanyang training sa Los Angeles, California, USA.
Sa inilabas na video ng World Boxing Council (WBC), nakita ang bilis ng galaw at kamao ni Pacman dahilan para mamangha ang mga netizen at maging ang mga nakasaksi sa training ng 8-division world champion sa isang park.
Hindi naman napigilan ng ilang Pinoy na sumigaw ng “Manny, Manny” bilang pagpapalakas-loob ng fighting senator na ipinamalas ang kanyang asinta sa kalaban.
Nakatakdang sagupain ni Pacquiao si Cuban Yordenis Ugas, na pumayag na itaya ang kanyang WBA welterweight championship belt kontra Filipino southpaw.
Ang orihinal na makakalaban ni Pacman sa Agosto 21 sa Las Vegas ay si WBC at IBF welterweight champion Errol Spence, Jr. subalit umatras ito makaraang magtamo ng torn retina sa kanyang kaliwang mata.
You should take part in a contest for one of the most useful blogs online.
I will highly recommend this blog!
128347 708585I like this internet site because so considerably utile stuff on here : D. 78367