CULVER CITY, California – Wala nang makapipigil sa bakbakan nina Manny Pacquiao at Errol Spence Jr. sa Agosto 21.
Ang dalawa sa pinakamahuhusay na boksingero sa mundo ay nagharap sa Fox Sports studio para sa kanilang official press conference para sa kanilang nalalapit na laban.
“It’s gonna be a great fight,” pagtaya ni Spence, ang unbeaten American na may perfect record na 27-0, kabilang ang 21 panalo sa pamamagitan ng knockout.
“Manny Pacquiao is gonna bring it, like he always does. Show a lot of heart and dedication, and it’s gonna be a fight for the fans,” dagdag pa niya.
“And I’m gonna come away with the victory, whether it’s a stoppage or a win.”
Hindi naman na bago kay Pacquiao ang sumagupa sa mas bata at mas malaki sa kanya.
“Hindi na bago sa akin ‘yung mga ganyang size. Palagi ako lumalaban sa ganyang size. So it’s nothing new for me,” aniya.
Comments are closed.