UMAASA si Top Rank chief executive Bob Arum sa Manny Pacquiao-Terence Crawford fight sa 2021 makaraang sirain ng COVID-19 pandemic ang kanilang plano na idaos ang laban ngayong taon.
Noong Hunyo ay inihayag ni Arum na kumpiyansa siyang maisasagawa ang laban sa Bahrain. Hindi itinatago ni Crawford ang kanyang pagnanais na labanan si Pacquiao, kung saan hangad ng Amerikano na manalo laban sa Filipino ring icon.
“The money was there. The fight was gonna take place in the Middle East,” ayon kayArum.
Gayunman ay hindi natuloy ang plano nang maging malinaw na walang katiyakan kung makakapanood ng laban ang fans.
Bagama’t bumalik na ang boxing events, partikular sa United States, nananatili itong audience-free.
“Now, they called us and said if Terence is successful, then we want to resume talks and see if we can do it in the spring,” sabi ni Arum.
Nalagay si Crawford sa posisyon na humiling ng Pacquiao fight matapos ang kanyang fourth-round stoppage kay Kell Brook sa Las Vegas noong Sabado. Ang 33-year-old ay nanatiling walang talo at umangat sa 37-0 na may 28 knockout victories.
Matapos nito ay binigyang-diin niya na nananatili niyang prayoridad ang paglaban sa Filipino superstar.
“I want to revisit that fight,” said Crawford, who said that plans were “95% done” before the global health crisis forced them to close everything down.
“We had the venue. The money was almost there. It wasn’t quite there. That was the only thing we were waiting on,” dagdag pa niya.
Wala pang tugon ang kampo ni Pacquiao sa pinakabagong hamon ni Crawford. Si Pacman ay huling lumaban noong July 2019, kung saan tinalo niya si Keth Thurman upang kunin ang WBA “super” welterweight title.
Samantala, tangan ni Crawford ang WBO welterweight belt at itinuturing na isa sa top boxers sa mundo, pound for pound.
Comments are closed.