(Pag-aaralan ng DA)P250/KILO NA SRP SA SIBUYAS PALALAWIGIN

NAKATAKDANG magpulong ang Department of Agriculture (DA) at mga stakeholder sa susunod na linggo para pag-usapan kung kailangan pang palawigin o baguhin ang P250 kada kilo na suggested retail price (SRP) sa sibuyas sa ilalim ng Administrative Circular 12.

Ayon kay DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, kabilang sa kanilang kinokonsidera ang posibleng pagbaba ng farmgate price dahil sa pagsisimula ng anihan sa Enero 15.

Na-monitor, aniya, nila na may ilang palengke na nagbaba ng presyo ng sibuyas hanggang P470 kada kilo, ngunit hindi pa rin ito pasok sa SRP.

Sa kabila nito, patuloy na nakikipag-ugnayan ang kagawaran sa mga nangangasiwa sa mga palengke at sa mga tindera upang makahanap ng supplier ng sibuyas sa murang halaga.

DWIZ 882