PAG-ANGKAT NG ASUKAL INALMAHAN NG FARMERS

UMALAG ang mga magsasaka sa plano ng pamahalaan na umangkat ng asukal para matugunan ang inaasahang kakulangan sa supply ngayong taon.

Ayon sa mga magsasaka, hindi magkakaroon ng shortage dahil simula na ng milling season o sugar production.

“We have a lot of sugar in our bodegas, we are at peak of milling season. At the end of milling season in May, they should order a nationwide inventory, and then they will find out how much sugar do we have on the bodega. If we lack sugar, then we talk about importation,” sabi ni Manuel Lamata ng United Sugar Federation.

Sa datos ng Sugar Regulatory Administration (SRA), ang sugar production ng bansa ay tumaas ng 3% sa unang linggo ng Pebrero kumpara noong nakaraang taon.

Gayunman, sinabi ng mga magsasaka na kapag natuloy ang pag-angkat ay bababa ang presyo ng asukal at hindi nila mababawi ang kanilang investment.

Hindi bababa sa limang milyong magsasaka at kanilang pamilya ang inaasahang maaapektuhan ng pag-angkat ng asukal sa Negros Region.

Inaprubahan ng SRA ang pag-angkat ng 200,000 metric tons (MT) ng refined sugar upang mapunan ang inaasahang supply shortfall ngayong taon.