KINUWESTYON ni Senador Raffy Tulfo ang “pang-aarbor” ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa gawain na pag-imprenta ng national ID.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance noong Miyerkoles, sinabi ni Tulfo na nagtataka siya kung bakit ang BSP, na ang trabaho ay mag-imprenta ng pera, ay nakialam sa pagpapa-imprenta ng mga ID na nagkakahalaga ng P28 billion.
“Ang masaklap, matapos maipaarbor ng PSA sa BSP ang proyekto, ang kontrata ay naipa- sa naman sa AllCard, Inc. kahit pa ang kompanyang ito ay dati nang may problema sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, tuladng delay sa pagpapatupad sa kontrata,” sabi ng senador.
“Ngayon, sa muli, delayed ulit ang AllCard sa pagpapatupad sa kontrata naman nito sa BSP.
Pero hindi lang delayed ang prob- lema ng AllCard kundi nakagawa pa ito ng malaking bulilyaso,” dagdag pa ni Tulfo.
Aniya, pumalpak sila sa disenyo ng QR code dahil na- pakaliit nito at hindi sapat para makapag-store ng mga mahahal- agang impormasyon. Dahil dito, may posibilidad, aniya, na sirain nila ang milyon-milyon nang naimprentang mga card para sa bagong disenyo.
Kinuwestyon din ni Tulfo ang BSP kung bakit ang pagpapa- gawa ng bagong 1,000-peso note ay ikinontrata nito sa Australia.
“Ibig sabihin, ang sarili nating pera ay imported at made in Australia,” ani Tulfo.
Magpapasa ng resolution in aid of legislation si Tulfo para mapaimbestigahan ang mga isyung ito laban sa BSP at AllCard.
-VICKY CERVALES