PAGBABALIK-TANAW AT ILANG ARAL SA REMOTE NA PAGNENEGOSYO

KUMUSTA, ka-negosyo? Kasalukuyang nasa gitna kami ng himpapawid ng Australia ng asawa ko habang isinusulat ko itong pitak na ito. Papunta kaming Sydney mula Perth kung saan inayos namin ang pagsisimula ng pag-aaral ng bunso namin sa kanyang masteral na kurso.

Mahaba ang biyahe. Mga limang oras din at pagdating sa Sydney, madadagdagan ng tatlog oras ang araw namin. Sa Perth kasi, kapareho ng Pilipinas ang timezone.

Naisip ko tuloy na ibahagi ang aking ilang karanasan bilang nagnenegosyo at nagbibiyahe sa iba’t ibang lugar.

Sa pitak na ito, aalalahanin ko na rin ang pagkakaiba ng mga biyahe noon at ngayon na nasasaklawan na rin ng mga makabagong teknolohiya ang pagnenegosyo.
Sasaklawin natin ang remote work o pagtatrabaho at tele-commuting na tinatawag. Siguro, papasadahan na rin natin ang work-from-home dahil halos ganito naman ang set-up ng marami sa buong mundo.

Tara na at umpisahan na natin!

#1 Panahon ng 1990s

Halos malaki na ang pinagkaiba ng remote work noong bago ang pandemya at pagkatapos ng kasagsagan nito.

Noong mga 1990s kung saan naranasan ko ang puspusang trabaho biang salesman sa iba’t ibang kompanya ng media at advertising, ang alam kong natatanging teknolohiya na nagagamit ko noon ay ang cellphone (call and text lang ito), laptop, fax machine, email, at pagsisimula ng komersiyal na Internet.

Noong mga panahong iyon, halos kasisimula pa lang ng email sa Pilipinas at ang madalas na linya ng komunikasyon ay ang landline at fax. Kaya naman ang ginagawa ko noon ay personal na paghatid ng mga proposal at gayundin ang face-to-face meeting sa mga opisina man o restawran sa aking mga kliyente.

Sa madaling salita, literal na laman ako ng kalye. Kundi nakakotse, ako’y nagko-commute. ‘Di man ganoon ka-grabe ang trapik, mas mahirap magsara ng benta.

Noong ako’y napasok sa malaking kompanya ng media na Asian Sources (naging Global Sources) noong dulo ng 1992, mas lumawak ang paggamit ko sa email, fax at telephone conferencing (wala pang video noon!).

Bale halos nagsisimula na ang tele-communting noon dahil bukod sa may cellphone, ang laptop, at email ay nakatutulong na sa mga komunikasyon sa mga lugar na mahirap abutin.

Nagsimula na rin ang mga search engine gaya ng Alta Vista, Yahoo, Google, at iba pa. Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga maliliit na negosyo na makalaban nang parehas sa mga dambuhalang korporasyon na deka-dekada na ang itinagal.

#2 Panahon ng 2000s

Noong pumasok ang dekada 2000, mas lumawak na ang paggamit ng email at Internet. Mas naging uso na ang pagbubuo ng mga website na ‘di lamang ito tila mga brochure na matatawag, kundi may ilang gamit na rin na mas nagpagaan ng pagkonekta sa mga kostumer o kliyente.

Nagsimula na rin ang social media na naging paraan upang lumawak ang pagkonekta sa mga kostumer sa pamamagitan ng ibang uri ng pakikipagsalamuha ng mga negosyo sa kanilang mga target na kostumer. Dahil dito, nagkaroon ng ibang dimesyon ang tingin sa mga kostumer.

Sa totoo lang, nagkaroon ng mas murang paraan upang makapag-usap sa mga mas batang kostumer.

Natatandaan ko rin na noong bago magpalit ang dekada 1990s at 2000s, nagkaroon pa nga ng takot na tinawag na Y2K Scare o krisis sa takot na babagsak ang mga computer sa buong mundo dahill magiging 00 ang date nito at baka ma-reset sa 1900 ang mga ito. Maraming mga IT sa Pilipinas ang nakuha sa US para rito. ‘Yun nga lang, ‘di nangyari ang masamang inaasahan.

Sa pagbalik natin sa remote na pagnenegosyo noong mga panahong iyon, nakikita na ang kahalagahan ng tele-commuting, gayundin ang pagsisimula ng interes sa work-from-home dahil na rin sa pagpasok ng mga BPO sa Pilipinas. Ito ay nagsimula sa paggamit ng malalaking ISP (Internet Service Providers) na naging simulang malawakang paggamit ng koneksiyon sa Internet sa pamamagitan ng mga kable. Wala pang tunay na broadband o wi-fi noong mga panahong ito na abot ang mga kabahayan. Pero nakikinita na ng mga negosyante na paparating na ito.

Tandaan natin na dahil kasabay nito ang paglawak ng paggamit ng social media at search engines na Google at Yahoo.

#3 Pagnenegosyo bago ang pandemya

Malamang, mas maraming negosyante na ang nakaaalam ng mga panahong ito mula 2010 hanggang sa 2019 na mas nagpabago ng pananaw sa remote work at pagnenegosyo, ‘di ba?

Noong mga panahong ito, mas bumilis na ang Internet at naging isang tunay na utility na ang cellphone data. ‘Di man ganoon kalawak ang coverage nito sa buong Pilipinas, umabot na ng 45 milyon na tao ang gumagamit ng Internet at gayundin ang social media.

Dahil dito, nagsimula na umangkop ang mga negosyante dito.

Nagsimula na rin ang e-commerce sa pamamagitan ng Multiply, Sulit at TipidPC. Pumasok na din ang Lazada at Zalora. Ito ang nagpabago ng pagnenegosyo.

Kaya naman nung pumasok ang pandemya, ‘yung mga taong may ekspiryensiya sa mga platapormang nabanggit ang nakaungos ng mas mabilis kaysa mga hindi nasanay sa e-commerce.

#4 Mahalaga ang patuloy at malawak na komunikasyon

Mahalaga ang komunikasyon sa krisis. Ito ang natutunan natin noong 2020 na kasagsagan ng pandemya. Natuklasan din natin na ang pagpapaalam sa iyong buong organisasyon ay nangangailangan ng isang nakalaang channel (instant message, email, o intranet). Maaaring isama ang mga pagsasara ng opisina, mapagkukunan, access sa system, at higit pa. Walang negosyo ang magtatagal kung di maayos ang komunikasyon sa mga tauhan at kostumer. Ganyan lang yan halos kasimple isipin ngunit sadyang mahirap gawin nang maayos.

Isaalang-alang kung paano nakaaapekto ang mga nakakalat na komunikasyon sa mga kasalukuyang tauhan pati na rin sa mga komunikasyon sa kalamidad.

Ang pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa harapan ay nagpapabuti sa komunikasyon. Kapag ang mga katrabaho ay hindi nagkikita araw-araw, maaari silang makaramdam ng paghihiwalay at pagkalito tungkol sa kanilang mga priyoridad at ambisyon.

Makatutulong ang mga video conference call, ngunit pinapalitan ba nila ang mga pag-uusap sa kape sa shared kitchen o mga chat sa conference room bago at pagkatapos ng pulong? Malamang, hindi.

Ang komunikasyon ay mahalaga upang mapanatiling magkasama ang koponan ngayon at sa susunod na kalamidad, kung ang mga tao ay nagtatrabaho mula sa bahay, opisina, o kumbinasyon ng pareho. Makakatulong ang mga pagpupulong ng grupo, isa-sa-isa, at “tumayo” sa iyong team na manatiling may kaalaman, may pananagutan, at nakatuon.

#5 Ang pagkakaroon ng flexibility ay makakabenepisyo sa lahat

Wala na ang pag-commute, kape, at walong oras na desk job. Ipinakita ng pandemya na sa napakalaking kaguluhan, marami ang nakaligtas sa labas ng itinatag na mga hadlang.

Sa loob ng maraming henerasyon, pinaboran ng mga kompanya na panatilihin ang mga manggagawa sa site upang sila ay makita at mapanagot. Bago ang pandemya, ito ay madalas na pinaghihigpitan at hindi epektibo. Ang halaga ng pagkuha ng napakalaking espasyo sa opisina, ang mga oras na ginugol sa pag-commute papunta at pabalik sa trabaho, at ang iba’t ibang gawain lahat ay tumuturo sa isang pangangailangan para sa pagpipino at muling pagsasaalang-alang sa pamantayan.

Ang pagtatrabaho nang malayuan ay nagpapalakas ng awtonomiya, pagganyak, at pagiging produktibo para sa marami. Pagkatapos ng pinahabang bakasyon na ito, parang tila overdue na ang pagbabagong ito. Puwede naman pala.

Ang kakayahang umangkop sa mga oras at lokasyon ay makikinabang sa maraming manggagawa, lalo na sa mga may dependent, mahabang biyahe, mga ekstrakurikular na aktibidad sa simula o pagtatapos ng araw, atbp. Ang pagbabalik sa nakaraan ay hindi na siguro aayon pa. Kung nais ng management na i-promote ang kalusugan ng kumpanya, dapat itong maghanap ng mga paraan upang maisama ang flexibility na nakikinabang sa mga empleyado at employer.

vvv
Si Homer ay makokontak sa email na [email protected]