SISIMULAN na ang pagbakuna sa Filipino delegation para sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games sa Vietnam ngayong weekend.
Ito ang inanunsiyo ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa online session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon.
Ayon kay Tolentino, nakatakda ang pagbakuna ngayong Biyernes sa Manila Prince Hotel sa San Marcelino St., Manila.
Ang proceedings ay sisimulan sa alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon at sasaksihan nina
Secretary Carlito Galvez, Chief Implementer ng National Task Force against COVID-19, Department of Health (DoH) Secretary Francisco Duque III, at Secretary Vince Dizon, ang COVID-19 testing czar ng bansa.
“Alam po natin na inaprubahan na ‘yung prioritization ng vaccination ng Olympic-bound at SEA-Games-bound delegates ng IATF (Inter-Agency Task Force). At ang good news po ngayon ay inaprubahan na rin ang ating vaccination day on Friday, exclusive for Olympic-bound delegates and SEA Games-bound delegates,” pahayag ni Tolentino sa weekly Forum.
“Rollout begins on Friday,” dagdag pa niya. “Magpabakuna na po tayo.”
Sa SEA Games Federation meeting noong nakaraang linggo ay inanunsiyo ng Hanoi Organizing Committee ang ‘No vaccine, No participation’ policy para sa lahat ng atleta na sasabak sa Nov. 21-Dec. 2 biennial meet.
Ito ang nag-udyok kay Tolentino na sumulat sa IATF nitong Mayo 18 na humihiling para isaprayoridad ang mga atleta at coach sa bakuna. Pagkalipas ng dalawang araw ay pinayagan ang kahiingan ng POC.
Samantala, hindi requirement ang bakuna sa Tokyo Olympics tulad ng iginiit ni International Olympic Committee (IOC) President Thomas Bach.
Sa kabila nito, hinikayat ng POC chief ang lahat ng miyembro ng Philippine team na nagkuwalipika sa parehong international meets, kabilang ang para athletes, na magpabakuna na anuman ang ibigay na brand, lalo na yaong mga kasalukuyang nasa Manila.
“Sa nangyayaring surge sa India, in the entire world, ngayon nga nag-uunahan nang magpabakuna. Palagay ko, wala nang agam-agam at tsaka wala nang pilian ‘yan kung anong brand,” anang kinatawan ng 8th district ng Cavite sa session na itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Sinabi ni Tolentino, head din ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (Philcycling), na nau-unawaan niya kung may mga nag-aalangan pa rin na magpabakuna, ngunit binigyang-diin na ang pag-tanggi ay mangangahulugan din ng forfeiture ng kani-kanilang slots sa SEA Games.
“Wala kaming magagawa, hindi ka makakasama sa list kung talagang ayaw mong magpabakuna. Hindi naman natin puwedeng puwersahin,” aniya.
“So dedesisyunan ng sports nila na mapapalitan ka kung ayaw mong magpabakuna. Hindi nga papapasukin (sa Vietnam), bakit pa natin ilalagay sa listahan.” CLYDE MARIANO
121220 667939Now we know who the ssebnile 1 is here. Great post! 43414
587774 554975This internet web site might be a walk-through for all with the details you wanted in regards to this and didnt know who to question. Glimpse here, and youll undoubtedly discover it. 625121
130531 111722This is such a great resource that youre offering and you supply out at no cost. I appreciate seeing websites that realize the worth of offering a perfect beneficial resource completely free. I genuinely loved reading your submit. 401207
474837 881722Amaze! Thank you! I constantly wished to produce in my internet website a thing like that. Can I take element with the publish to my blog? 991810
324052 909041You produced some decent points there. I looked on the net for any issue and found most individuals goes in addition to with all your website. 791012