PAGBEBENTA NG NASABAT NA SIBUYAS TINUTULAN

TUTOL ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa pagkonsidera ng Department of Agriculture (DA) na ibenta ang mga nasabat na puslit na sibuyas.

Ito ay sa oras na pumasa sa phytosanitary inspection ang mga kontrabando.

Ayon kay Rosendo So, presidente ng SINAG, ipapaabot niya ang pagtutol sa Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng liham.

Aniya, hindi dapat idahilan ang paparating na holiday season para magbenta ng mga smuggled na sibuyas dahil makaaapekto lang ito sa mga lokal na magsasaka ng sibuyas.

Imbes na ibenta, mas makabubuti aniyang tutukan na lang ng DA at ng Bureau of Customs (BOC) ang pagsawata sa agricultural smuggling at mahuli ang mga nasa likod nito.

DWIZ 882