MAYNILA – PINURI ng National Press Club (NPC) ang Philippine National Police (PNP), partikular ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Masbate sa pag-aresto sa isa sa umano’y gunman ni dating media at NPC member Joaquin ‘Jun’ Briones.
Si Antonio Villaran del Rosario ay inaresto sa Tandang Sora Avenue, Quezon City noong Huwebes ng mga elemento ng CIDG-Masbate na may koordinasyon sa Quezon City Police District.
“Together with the family and friends of our fallen colleague, Jun Briones, the NPC expresses its elation over the CIDG’s arrest of the suspect, this is indeed, a job well done,” ayon kay NPC president Rolly ‘Lakay’ Gonzalo.
Pinagbabaril si Briones ng suspected hired killers sa Sitio Feeder, Brgy. Bacolod, Milagros, Masbate noong March 13, 2017.
Ayon kay Gonzalo, kinilala si Del Rosario ng isa sa saksi sa pagpaslang kay Briones. PMRT
Comments are closed.