SULU – UPANG tuluyang madurog ang Abu Sayyaf Group (ASG), kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Marines (PM) na ide-deploy sa Sulu ang Marine Battalion Landing Team (MBLT)-8.
Ang nasabing tropa ay katatapos lamang sumailalim sa 9-month retraining at refurbishing program.
Ang deployment ng MBLT-8 sa nasabing probinsiya ay para lalo pang palakasin ang kampanya ng militar laban sa bandidong grupo.
Sa isang seremonya, sa Philippine Marines headquarters sa Fort Bonifacio sa Taguig City, idineklarang “operationally ready” ang MBLT-8 na ang ibig sabihin ay pinaigting at pinalakas ang lahat ng kailangang skills.
Dagdag dito, na ang lahat ng mga pag-aari at kagamitan ay inayos, pinalitan o dinagdagan pa para mas maging mataas ang operational readiness ng unit.
Hinimok naman ni Philippine Marine Corps Commandant M/Gen. Alvin Parreño ang mga tropa na, “always speak peace and development and embrace “jointness” in the joint environment, as we don’t compete with our brothers and sisters in the other service but rather complement each other to accomplish more.”
Ang MBLT-8 ay inactivate noong Hulyo 28, 1978. Si Lt. Col. Rommel Bogñalbal ang kasalukuyang commanding officer ng Marine Battalion Landing Team 8. EUNICE C.