ALAM nating walang nag-eempleyo na yumaman. Ang yumayaman lamang ay iyong malalakas ang loob na magtayo ng negosyo at hindi natatakot na sumugal sa itinayo nilang negosyo. Isa sa itinuro ng TESDA ay ang paggawa ng aftershave. Syempre naman, mula nang mauso ang papogian at pabanguhan ng kalalakihan, nauso rin ang aftershave. Bakit hindi natin ito gawing negosyo?
Napakadaling gumawa ng homemade aftershave dahil dalawa lang ang base ingredients nito: vegetable glycerin at witch hazel. Dahil parehong hindi mabango ang dalawang sangkap, dagdagan na rin natin ng essential oils.
Halika, gawa tayo ng classic aftershave.
Heto po ang mga ingredients na dapat nating ihanda:
Ang mga kakailanganin ay ang mga sumusunod: 2-ounce lotion bottle na gagamiting lalagyan; 1-ounce witch hazel; 1/2 teaspoon almond oil; 1/2 teaspoon vegetable glycerine; 3 drops vitamin E oil; 8 drops Royal Hawaiian Sandalwood Essential Oil; 4 drops Frankincense Essential Oil; at distilled water.
Sa bote ng lotion, isalin isa-isa ang witch hazel, almond oil, vegetable glycerine, vitamin E, at essential oils. Aluging mabuti at pagkatapos ay punuin ang lalagyan ng distilled water. Muling alugin upang magsama-sama ang lahat ng sangkap. Higpitan ang takip at itabi muna sa madilim na lugar sa loob ng isang linggo.
Kapag gagamitin na o handa na kayong ibenta ito, muling alugin. Maglagay ng kaunti sa kamay at saka ipahid sa mukha.
Pwedeng gumamit ng ibang essential oil combinations tulad ng Lavender at Cedarwood o Valor. Maganda ang aftershave na ito dahil wala itong halong alcohol na nakatutuyo ng balat.
Maaari na itong gamitin o ibenta makaraan ang isang linggo. Pwede itong ilagay sa mas magandang bote para makakuha ng magandang presyo. Ang presyo po ay depende sa kung magkano ang magagastos ninyo. Kung gusto ninyo ng maramihang paggawa, doblehin lamang ang mga sangkap na nakalista– NV
694715 634717Wow you hit it on the dot we shall submit to Plurk in addition to Squidoo nicely done انواع محركات الطائرات | هندسة نت was wonderful 573017
709456 781196As I web site possessor I believe the content material material here is genuinely excellent , regards for your efforts. 772737
250523 139754Music started playing anytime I opened this internet web site, so annoying! 82309