PAGHAHANDA SA OLYMPICS BUBUHUSAN NG PONDO

Chairman William Ramirez

HINIMOK ni Philippine Sports Commission  (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang mga atela sa iba’t ibang National Sports Associations (NSAs) na laging maging handa at panatilihin ang kanilang magandang kondisyon physically at mentally para sa panibagong pagsubok na kanilang kakaharapin  sa susunod na taon, partikular sa Tokyo Olympics.

“2020 is a brand new year full of challenges. Always train hard and keep yourself in top condition because you are embarking on another adventure in your quest for personal glory in the field of sports and continue reap honors for the country not only in Olympic Games and SEA Games but also in other high level competitions,” sabi ni Ramirez sa mga atleta.

“Your role and responsibility as national athletes does not end in the 30th Southeast East Asian Games. There are many things to accomplish and many barriers and obstacles to hurdle in your quest for fame and fortune,” wika ni Ramirez.

Sinabi ni Ramirez na ang tagumpay na nakamit sa katatapos na SEA Games ay dapat na gawing puhunan ng mga atleta sa muli nilang pakikibaka para makapag-uwi ng karangalan sa bansa.

“Capitalize and exploit to the hilt the gains you achieved in the SEA Games  to pole vault to international prominence,” aniya.

Gumanap si Ramirez bilamg Chief of Mission ng Team Philippines sa SEA Games at ang kanyang pagsusumikap ay nagresulta sa pagsikwat ng bansa sa overall crown makaraang makakolekta ng kabuuang 386 medalya -149 gold, 117 silver at 120 bronze medals.

Binigyang-diin ni Ramirez na nakahanda ang PSC na tumulong at gumabay sa kanila para makamit ang minimithing tagumpay.

“Ang papel n’yo bilang national athletes ay manalo at ang papel ng PSC ay suportahan kayo financially.  Ang PSC ay laging nasa tabi n’yo at handang tumulong at umalalay sa oras ng inyong pangangailangn,”  dagdag pa niya.

Ayon kay Ramirez, maglalaan ang PSC ng mala­king pondo para sa mga atletamg sasabak sa international competitions sa susunod na taon bilang paghahanda sa Tokyo Olympics.

“PSC focuses its attention to Tokyo Olympics. Mayroon na tayong dalawang Olympic qualifiers sina Carlos Edriel Yulo at Ernest John Obiena. Marami pa tayong mga atleta sa kasalukuyan na sumasali sa Olympic qualifying competition at umaasa tayo na marami pang  mga atleta na magku-qualify,” ani Ramirez.

Kabilang sa mga lumalaban sa qualifying sina Hidilyn Diaz, Margielyn Didal, Felix Eumer Marcial, Nesthy Petecio, Eric Shawn Cray, Natalie Uy, Kristina Knott, at Filipino-Japanese Kiyomi Watanabe at Mariya Takahashi at taekwondo jins.  CLYDE MARIANO

Comments are closed.