NGAYONG mainit ang panahon, isa sa pinoproblema ng marami ang breakouts at kung ano-anong sakit sa balat. Hindi ito maiiwasan lalo pa’t tila nilalagnat ang paligid. Bukod sa mga sakit sa balat, nariyan din ang ilang mga sakit na dala ng mainit na panahon gaya ng food poisoning, flu at diarrhea.
Kasabay nga naman ng tag-init ay ang samu’t saring problema sa balat at katawan. Kaya naman, nararapat lang na mapanatili nating healthy ang ating pangangatawan. At sa mga pinoproblema ang breakout, narito ang ilang pagkaing mainam kainan para maiwasan ito:
BROWN RICE
Nangunguna sa ating listahan ang brown rice. Marami ang inaayawan ang brown rice. Una ay dahil sa kulay nito. At ikalawa naman, dahil sa wala itong lasa. Gayunpaman, marami nang puwedeng pagpiliang klase ng brown rice sa merkado. Bukod sa maraming choices, mayaman din ito sa Vitamin B, protina at magnesium na maganda sa katawan.
Ang vitamin B na taglay ng brown rice ay mainam na panlaban sa stress. Nakatutulong ito upang mapaayos ang level ng hor-mone at maiwasan ang breakout.
Sa simula, puwedeng manibago tayo sa pagkain nito. Pero kalaunan ay masasanay rin tayo. Healthy rin ito kaya wala tayong da-hilan para hindi ito kahiligan.
ISDA
Ikalawa sa ating listahan ang isda sapagkat nagtataglay ito ng high quality protein at healthy fat gaya ng omega-3. Mayroon din itong healthful vitamins at minerals na minam sa kalusugan.
Magandang source rin ito ng Vitamin D. Ang fatty acids na tagaly ng isda ay tumutulong upang maiwasan ang pamamaga. Ang pamamaga ang siyang nagdudulot upang magbara ang ating pores na nagiging sanhi ng acne o breakouts. Mainam din ang pagkain ng salmon, mackerel at sardinas para malabanan ang blemishes.
NUTS
Ikatlo sa ating listahan ang nuts. Marami ang nahihilig sa nuts dahil isa ito sa pagkaing kaydaling hanapin at napakarami rin ng klase na puwedeng pagpilian. May ilan na habang nagtatrabaho o nagsusulat ay kumakain ng nuts para nga naman mapanatiling aktibo ang utak.
Ang nuts ay nagtataglay ng selenium, vitamin e, copper, magnesium, manganese, potassium, calcium at iron na mahalaga para ma-achieve ang healthy skin.
May mga nakasanayang kasabihan o paniniwala na nagiging sanhi umano ng pimples ang pagkain ng mani. Pero sa kabila nito, marami pa rin ang nahihilig sa pagkain nito. Marami rin kasing benepisyong naidudulot ito sa katawan. At wala rin namang maka-pagsasabi kung tunay ngang nakapagdudulot ng pimples ang pagkain ng mani.
GREEN TEA
Sadyang hindi nga naman nawawala ang green tea sa listahan ng mga pagkain at inuming may magandang naidudulot sa ka-tawan. Isa nga ang green tea sa nagtataglay ng antioxidants na nakatutulong upang maiwasan ang stress na nagiging sanhi ng breakouts.
Kaya kung may breakouts ka o para na rin makuha ang benepisyong taglay ng green tea, ugaliin ang pag-inom nito.
Ang pag-inom ng green tea ay mayroong magandang epekto o benepisyo sa balat. Nakatutulong ito upang maiwasan o mabawa-san ang inflammation na sanhi ng acne. Dahil ito sa powerful antioxidants na taglay ng nasabing inumin. Mainam din itong inumin bago matulog para kumalma ang pakiramdam at makatulog ng mahimbing.
Mainam din ang green tea para malabanan ang acne na sanhi ng hormonal imbalances.
Iba-iba ang balat ng marami—may ilang sensitibo at mayroon din namang hindi. Sensitibo man o hindi ang iyong balat, nararapat pa rin natin itong alagaan. At sa pag-aalaga nito, hindi na natin kailangan pang gumastos ng malaki dahil sa pagkain lang ng mga healthy food ay mapagaganda na ang balat at kabuuan.
Comments are closed.