ISANG isolated incident lang umano ang sinasabing paglabag nina Presidential legal counsel Salvador Panelo at Senador Manny Pacman Paquiao sa health protocol.
Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), ang videoke session ni Atty. Panelo ay “isolated incident,” sa likod ng panawagan ng pamahalaan na pagbabawal sa videoke o public singing para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.
Sa imbestigasyong ginawa ng Philippine National Police na isinumite sa tanggapan ni SILG Secretary Eduardo Año ay lumilitaw na may mga kumalat na video sa social media na nagpapakita kay Panelo na kumakanta sa loob ng restaurant at inalis ang face mask nito subalit nanatiling suot ang kanyang face shield.
“Panelo should have exercised “utmost proper discretion,” ani Año .
“Ito ay isang isolated incident, hindi naman ito tinatawag na talagang gross violation. Nagkausap na rin kami ni Sec. Panelo at binigyan ko siya ng advise bilang isang high official ay maging sensitive tayo sa mga ganiyang klase ng insidente at iiwasan dapat,” ayon sa kalihim sa isang panayam.
“Wala naman kinakailangang imbestigahan dito pero ito ay isang mapupulutan ng aral na bilang isang official dapat i-observe mo ang lahat.”
“Nag-apologize siya na hindi dapat niya ginawa. At the minimum naman sabi niya in-observe daw niya ang minimum health standards. ‘Di lang daw marinig ang boses niya, maintindihan, kaya ang mga tao nagsabi na tanggalin mo ang mask,” anang kalihim.
Samantala, nitong nakalipas ding buwan ay kumalat naman ang video ni Presidential Spokesman Harry Roque sa isang videoke session.
Nabatid na natanggap na ng DILG ang PNP findings sa ginawang pagsisiyasat sa umano’y ‘quarantine breach’ nina Presidential Spokesperson Harry Roque at Pacquiao.
Nagsagawa ng imbestigasyon ang PNP base sa direktibang ibinaba ni Año hinggil sa umanoy paglabag sa COVID-19 health protocols sa dalawang magkahiwalay na okasyon nina Pacquiao sa Agoncillo, Batangas noong Nobyembre 26, 2020 sa ginanap na gift giving at si Roque sa Bantayan Island, Cebu noong Nobyembre 27, 2020.
“We have received the PNP’s investigation report and this is currently under review by our DILG Legal Service,”ani Año.
“The PNP report says that the local government officials of Agoncillo, Batangas ensured that health protocols such as wearing of face mask and face shield and the adherence to social distancing requirements were strictly observed during Pacquiao’s distribution of relief goods to those affected by the Taal Volcano eruption and the pandemic. The seats in the activity were also arranged to ensure that social distancing was observed. The LGU also distributed face masks and face shields,” anang kalihim.
Wala naman umanong nadagdag na kaso ng COVID sa Bantayan Island, Cebu kung saan dumalo ang Presidential Spokesperson. VERLIN RUIZ
Comments are closed.