IKINAGALAK ng Malakanyang ang resulta ng 4th quarter 2018 Social Weather Stations (SWS) survey kung saan ay bumaba sa 10.5 porsiyento ang bilang ng mga Filipino na nagsasabing nagugutom.
Sa ginanap na press briefing, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang resulta ng naturang survey ay maituturing na pinakamababang rekord sa loob ng 15 taon.
“This positive development is consistent with the earlier survey result showing a decrease among Filipino families who consider themselves as “mahirap.” The Palace considers the improvement experienced by the survey participants in relation to their economic status as among the paramount reasons why PRRD continues to win the trust and approval of the Filipino people,” wika ni Panelo.
“The best is yet to come, as the Chief Executive continues to work double time in the remainder of his term to uplift more Filipino families out of poverty and hunger, towards a more comfortable and prosperous life for all,” dagdag pa ni Panelo.
Ito rin ang magsisilbing inspirasyon upang lalong pagsumikapan ng administrasyong Duterte na lalo pang mapababa ang bilang ng mga nagsasabing nagugutom pa rin sila at namumuhay sa kahirapan.
Patunay rin ito na nagbubunga na ang sinseridad ng Pangulo na ibsan ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ibinida rin ni Panelo na naglalaro sa 6.6 porsiyento ang inilalago ng ekonomiya ng bansa sa unang dalawang taon ng Duterte administration na ‘di hamak na mas mataas sa kaparehong panahon ng mga nakaraang administrasyon.
Kumpiyansa ang Malakanyang na ngayong 2019 ay aangat papasok sa upper-middle income ang status ng bansa base sa ginawang pagtaya ng Department of Finance. EVELYN QUIROZ